top of page
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Pelikula ng PHSA alumni, apat ang napanalunan sa 2021 Gawad Urian

phsavariations

Sulat ni Sophia Reyes



Ang Aswang na debut feature ni Alyx Ayn Arumpac ng Philippine High School for the Arts (PHSA) Batch Villa-Celerio ay nag-uwi ng Best Picture, Best Directory, Best Cinematography, at Best Documentary mula sa 2021 Gawad Urian.

Nag-aral si Arumpac ng Malikhaing Pagsulat sa PHSA mula 1999 hanggang 2003 at nagtapos ng Film sa Unibersidad ng Pilipinas bago tumungo sa Europa upang kumuha ng Master’s degree sa tatlong iba’t ibang pamantasan.


Mula rito ay napagpasyahan niyang gawin ang Aswang, isang dokyumentaryong tinatalakay at kinukundena ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kahit nabalam ng lockdown ang premiere nito sa mga teatro noong Marso 2020, nagkaroon naman ito ng limited online premiere matapos ipasa ang Anti-Terror Law, kung saan ito ay pumukaw ng atensyon at papuri sa social media.


Sa Facebook announcement post ng Aswang team, kasabay ng pasasalamat nila sa organisasyon para sa mga parangal na kanilang tinanggap, ay isang dedikasyon: “Para po ito sa lahat ng pinaslang, kinulong, at nawalan ng mahal sa buhay sa giyera kontra droga”.


Maliban dito, nagwagi at nakasama rin ang dokyumentaryo sa listahan ng mga pelikulang sinuri para sa kategoryang Best Documentary sa 2021 Oscars.


Kasalukuyang mapapanood ang Aswang sa ilang online streaming platforms tulad ng Dokyu Power at Cinema Centenario.




Recent Posts

See All

School opens Folk Dance workshop

Written by Sidney Lampayan On June 2, 2022, the Philippine High School for the Arts (PHSA) held a workshop focused on folk dance. The...

Komentarze


© 2022 Philippine High School for the Arts | Website Design by Ezra Estrañero

bottom of page