top of page
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Maria Ressa, ginawaran ng Nobel Peace Prize

phsavariations

Sulat ni Sophia Reyes


Noong Disyembre 10, 2021, pinangaralan ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa ng Nobel Peace Prize sa Oslo, Norway at dito ay naging unang Pilipinong nakatanggap ng gantimpalang ito.


Kasabay niya ang mamamahayag mula sa Russia na si Dmitry Muratov, ang punong patnugot ng diaryong Novaya Gazeta. Tulad ni Ressa, malaki rin ang naging papel ni Muratov sa paggiit ng kalayaan sa pamamahayag sa kanyang bansa, lalo na sa panahon ng maling impormasyon. Lubos ang pagkakaintindi ng dalawa na ang balita, sa kamay ng maling tao, ay nagagawang panakot at panlaban.


Hindi naging madali ang paglayag ni Ressa upang makadalo sa seremonya sa Oslo; noong una ay hindi siya pinayagan ng administrasyong Duterte at tinawag itong “flight risk” dahil sa kanyang pamumuna sa kanilang pamamahala. Gayunpaman, noong Disyembre 3 ay napagdesisyunan ng appeals court na ang biyaheng ito ay “mahalaga at kailangang-kailangan”.


Kasama rin sa Oslo ang potograpong si Hannah Reyes Morales, na inatasang magtanghal ng isang photo series na ipinapakita ang kapangyarihan ng social media sa Pilipinas upang lalong mabigyang-diin ang pagpupunyagi ni Ressa, at ng lahat ng aktibista at mamamahayag sa bansa.


Narito ang isang bahagi ng kanyang talumpati sa Ingles nang tanggapin ang parangal: “Narito ako ngayon sa harapan niyo, kinatawan ng bawat mamamahayag sa mundo na napipilitang magsakripisyo upang mapanatili ang balanse; upang magpakatotoo sa aming mga tungkulin at sa aming mga pinahahalagahan; upang maihatid sa inyo ang katapatan at katotohanan at palakasin ang saysay ng salaysay.” (Salin sa Filipino ng may-akda.)


Recent Posts

See All

School opens Folk Dance workshop

Written by Sidney Lampayan On June 2, 2022, the Philippine High School for the Arts (PHSA) held a workshop focused on folk dance. The...

Comments


© 2022 Philippine High School for the Arts | Website Design by Ezra Estrañero

bottom of page