top of page
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Barnes, Drapete, hakot sa Asian Grand Prix Ballet Regional Competitions 2021

phsavariations

Sulat ni Rilke Arguelles


Ilang parangal ang iniuwi nina Katrina Barnes at Shamira Veronica Drapete, dalawang miyembro ng Maquiling Ballet, mula sa Asian Grand Prix Ballet Regional Competitions noong ika-18 ng Nobyembre 2021.


Nasungkit nina Barnes (Grade 10) at Drapete (Grade 9) ang gintong medalya sa kategoryang Duo/Trio sa kanilang piyesang Interstellar, habang nagwagi naman ng silver medal si Drapete sa parehong kategorya ng Classical Junior A at Contemporary Junior A. Nakatanggap din si Barnes ng Merit para sa kanyang sayaw sa Classical Junior B.


Ginanap ang timpalak online kung saan nagsumite ang mga kalahok ng video ng kanilang mga pagtatanghal mula ika-8 ng Setyembre hanggang ika-28 ng Oktubre, at naganap ang pagpaparangal noong ika-18 ng Nobyembre 2021. Itinampok sa isang livestream ang finals ng patimpalak sa website ng Asian Grand Prix.


Si Katrina Barnes ay mula sa Batch Manuel Conde – Eddie Romero (Coro), isa sa dalawang recitalist batches ngayong taong panuruan 2021–2022. Abangan ang kanyang pagtatanghal sa darating na buwan ng Hunyo.




Recent Posts

See All

School opens Folk Dance workshop

Written by Sidney Lampayan On June 2, 2022, the Philippine High School for the Arts (PHSA) held a workshop focused on folk dance. The...

Comments


© 2022 Philippine High School for the Arts | Website Design by Ezra Estrañero

bottom of page