top of page
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Ang Maasong Mundo ng 2 Cool 2 Be 4gotten

phsavariations

Sulat ni Philip Catarus

Isinalin ni Sophia Reyes


Ang 2 Cool 2 be 4gotten ay ang feature-film debut ni Petersen Vargas na ipinalabas noong 2016. Ipinanalo nito ang best cinematography, best supporting actor, at best picture sa Cinema One Film fest. Ang pelikula ay nakatakda sa probinsya ng Pampanga noong 1990s, ilang taon pagkatapos ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo na naging sanhi ng lahar at ang paglikas mula sa Clark Airbase gawa ng Amerikanong militar.


Bida sila Khalil Ramos (Felix Salonga), Ethan Salvador (Magnus Snyder), Jameson Blake (Maxim Snyder) sa coming-of-age na pelikulang ito. Inilalarawan dito ang kakaibang si Felix, isang matalinong estudyanteng nasa second year high school, at ang mga bagong lipat sa eskewelahang inaaralan niya, sila Magnus at Maxim. Mapapansin niyang nagiging malapit siya sa magkapatid, lalo na si Magnus na kanyang hinahangaan. Sa pagdikit niya sa buhay at motibo ng dalawa, matutuklasan niya, at ng manonood, ang mga pagnanais na hindi pa niya nahaharap noon.


Anim na taon pagkatapos ng produksyon nito, masasabi na pa rin ang 2 Cool 2 Be 4gotten ay isang pelikulang hindi nakuha ang nararapat na atensyon para dito. Bilang kasama ito sa isang film festival, hindi sapat ang oras para mapanood ang mga ito sa sinehan – ano pa kaya ang isang kalahok sa Pinoy na film fest?


Ang ating kasalukuyan ay panahon na kung saan ang gender binary ay lalong sinusubok at kinukuwestyon, at hinihikayat ang lahat sa daan ng pagtatatag ng sarili. Higit pa sa isang lgbt coming-of-age ang drama na ito. Tungkol din ito sa pabago-bagong landas para sa kabataan at ang paggalugad ng sekswalidad. Inilalatag ng pelikula ang ilang kapitaganan na binibigyan ang manonood ng espasyo para makapag-isip. Ang 2 Cool 2 Be 4gotten, na may aspect ratio ng 4:3 kasama ng ibang visual effects, ay lumilikha ng isang Kodak photo – nostalgia sa isang kuwadrong ang color grading ay init at pagnanabik.



Comments


© 2022 Philippine High School for the Arts | Website Design by Ezra Estrañero

bottom of page